Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong babaeng pasahero sa NAIA matapos mahuli na gumagamit ng pekeng Overseas Employment Contracts (OEC).
Ayon sa NBI-International Airport Investigation Division, nahuli ang tatlo noong Agosto 20 habang papunta sanang Hong Kong bilang turista ngunit na-intercept sa routine inspection.
Lumabas sa imbestigasyon na sila ay narecruit sa pamamagitan ng social media para magtrabaho bilang Customer Service Representatives sa Cambodia.
Napag-alaman din na isang immigration officer ang unang nag-cleared sa kanila, na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad.
ADVERTISEMENT
Kinasuhan ang tatlong pasahero sa ilalim ng Revised Penal Code, habang ang naturang opisyal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act at Anti-Trafficking in Persons Act.



