Arestado ng NBI Cybercrime division, ang tatlong indibidwal sa Cavite at La Union, dahil sa iligal na pag-aalok ng internet services.
Timbog ang dalawa sa General Trias, Cavite noong August 28 na gumagamit ng computer para iligal na i-reactivate, i-boost, at i-resell ang internet nang walang pahintulot ng lehitimong provider.
Sa isa pang operasyon noong September 16, nadakip ang isang lalaki sa Naguilian, La Union matapos ma-trace ang iligal na distribution ng internet at iba pang cybercrimes sa kanyang bahay.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, dina-divert ng mga suspek ang bayad ng mga lehitimong subscribers papunta sa sarili nilang account na nagdulot ng pagkalugi at pinsala sa internet provider.
ADVERTISEMENT
Sasampahan ang mga naaresto ng mga kaso sa ilalim ng cybercrime prevention act access devices regulation act, estafa, at iba pa.



