3-araw na sanggol, patay matapos maipit sa gulong ng motor

📅 June 27, 2025 11:06 AM PHT  |  ✏️ Updated June 27, 2025 08:35 PM PHT
👤 Billy Torres  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Kalunos-lunos ang sinapit ng isang tatlong-araw na sanggol na naipit sa kadena at gulong ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon.

Ayon sa report, iuuwi na sana ang sanggol sa Del Gallego, Camarines Sur mula sa ospital.

Nakabalot sa kumot ang sanggol at karga ng kaniyang ina habang nakaangkas sa motor na minamaneho ng live-in partner nito.

Sa kalagitnaan ng biyahe, hindi namalayang lumaylay ang kumot at sumabit sa kadena ng motor kasama ang sanggol na nahila at naipit sa gulong.

Agad humingi ng tulong ang mag-live-in partner pero hindi naisalba ang bata na idineklara nang dead on arrival sa ospital.