27 patay dahil sa epekto ng bagyong Mirasol, Nando, at Opong

📅  |  ✏️ Updated

Hindi bababa sa 27 indibidwal ang nasawi dahil sa paghagupit ng bagyong Mirasol, Nando at Opong nitong mga nakaraang linggo.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council karamihan sa mga nasawi ay naitala sa Cagayan Valley at Bicol region.

Nakapagtala naman ng apat na nasawi sa Cordillera Administrative Region.

Habang tig-dalawa naman sa Central Luzon at Central Visayas ang naitala at isa naman sa Eastern Visayas.

Gayunpaman, patuloy naman na vina-validate ang mga datos na nakakalap.

ADVERTISEMENT

Mayroon namang naitalang 33 nawawala at 14 na sugatan matapos ang bagyo.

Samantala, aabot naman sa 700,000 na pamilya o katumas ng 2.7 milyong indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad.