27-anyos na dating preso, may apat na lisensiya na ngayon | News Light

📅

Isang dating preso sa Bukidnon ang nakapagtapos ng pag-aaral, at ngayo’y may apat na lisensya pa.

Si Daniel Quisa-ot, isang dating dean’s lister at iskolar sa kursong electrical engineering, ay maling nabilanggo isang semestre bago ang kanyang pagtatapos.

Sa kabila ng hirap sa loob ng kulungan, ipinagpatuloy ni Daniel ang kanyang pag-aaral at nagawang tapusin ang thesis na hango mismo sa kanyang karanasan sa piitan, sa tulong ng kanyang pamilya, mga guro, at pamunuan ng unibersidad.

Sa loob ng kulungan, nagsilbi rin siyang inspirasyon sa kapwa bilanggo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Salita ng Diyos at pagdadala ng pag-asa sa gitna ng kawalan.

Matapos maibasura ang kaso laban sa kanya at sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ama, pinili ni Daniel ang kapatawaran at tinupad ang pangarap na maging lisensiyadong inhinyero, na kanyang nakamit kahit walang formal review.

ADVERTISEMENT

Ngayon, sa edad na 27, si Daniel ay may apat na lisensya mula sa PRC. Kasama rito ang electrical engineer, plant mechanic, master plumber, at master electrician.

Patunay si Daniel na walang piitan ang kayang gumapos sa pangarap na ginagabayan ng pananampalataya at layunin!