Naghahanda ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na maghain ng administrative cases laban sa 24 na local government officials na umano’y lumipad palabas ng bansa sa kabila ng utos na bawal ang foreign travel sa kasagsagan ng kalamidad tulad ng Bagyong Tino at Uwan.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nasa huling yugto na ang imbestigasyon at nakatakda nang isampa sa Ombudsman ang mga kasong abandonment of duty, gross neglect, at insubordination.
Dagdag pa ni Remulla, walang politika sa desisyon ng DILG at nararapat na kasuhan at parusahan ang dapat parusahan.
ADVERTISEMENT
Gayunpaman, nilinaw ni Remulla na hindi kasama sa kakasuhan si Isabela Governor Rodolfo Albano III, dahil November 8 pa ito umalis, isang araw bago maging official ang travel ban, pero naging mali umano ni Albano ang kanyang biro na hindi angkop sa panahon ng bagyo.
Samantala, habang nasa state of calamity pa ang bansa, lahat ng applications for foreign travel ay dapat direktang sumailalim sa approval ng DILG Secretary, alinsunod sa Administrative Order No. 6.




