Matagumpay na tinulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Hashemite Kingdom of Jordan, sa pangunguna ni Ambassador Wilfredo Santos, ang 21 stranded government officials na makatawid ng border sa gitna ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Personal na sinalubong ni Santos ang grupo sa King Hussein Border, kung saan inisyu sa kanila ang kanilang transit visas.
Ang koordinadong aksyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng malapit na pakikipagtulungan ng mga embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv at Amman.