21 katao, nasawi sa pag-atake ng Russia sa Kyiv, Ukraine | News Light

📅

Patay ang nasa 21 katao sa Kyiv matapos ang missile attack ng Russia sa kabisera ng Ukraine.

Napinsala ang mga gusali sa 33 lugar sa Kyiv kabilang ang headquarters ng European Union Mission at ang kalapit nitong British Council.

Nanawagan ang pinuno ng European Union Executive Commission na si Ursula von der Leyen na itigil na ang pag-atakeng ito sa mga sibilyan at hinimok ang Russia na makipag-negosasyon na para sa kapayapaan.

Ayon naman kay Ukraine President Volodymyr Zelenskyy, kritikal ang kondisyon ng dose-dosenang sibilyan at nahihirapan na maging ang mga doktor.

ADVERTISEMENT

Ang pag-atake ng Russia ay isa sa pinakamalaking air attack nito simula nang unang atakihin ng bansa ang Ukraine.