Inanunsyo ni Senate President Sherwin Gatchalian na aalisin sa panukalang 2027 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kabuuang P8.84 billion na pondo para sa mga proyektong walang sapat na dokumentong magpapatunay sa pangangailangan ng mga ito.
Ayon kay Gatchalian, nabigong isumite ng DPWH ang mga kinakailangang dokumento para bigyang-katwiran ang pondong nakalaan para sa halos tatlong daang proyekto.
Suportado naman ng bagong acting Public Works Secretary Giovanni Lopez ang pagtanggal sa pondo dahil malinaw umano ang utos ng pangulo na walang proyekto kung hindi kumpleto ang dokumento.
Bagamat malaki ang matatapyas na P8 billion funding, aabot naman sa P251 billion ang una nang natukoy na posibleng may iregularidad na pitong libong mga proyekto ng DPWH.

