Itinanggi ng Malacañang ang mga usap-usapan na mayroong ‘special treatment’ kay dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail sa Payatas.
Dismayado si Palace Press Officer Claire Castro sa aniya’y pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa pagkakakulong ni Romualdez.
Giit niya, maaari umano nitong pahinain ang tiwala sa mga ahensya ng pamahalaan na gumaganap ng kanilang tungkulin.
Ang kanyang payahag ay kasunod ng mga kumakalat na alegasyon sa social media na pinutulan umano ng suplay ng kuryente ang male dormitory ng New Quezon City Jail para hindi gumana ang mga closed- circuit television camera (CCTV) at makalabas si Romualdez nang hindi namamalayan ng mga awtoridad sakay ng isang ambulansya.
ADVERTISEMENT
Samantala, pinabulaanan din ito ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at nagbahagi ng CCTV footage ni romualdez sa loob ng piitan.
“Sa mga maaaring nagpapakalat ng maling impormasyon, ano po ba ang inyong nais? Anong motibo? Ang motibo dito ay sirain ang gobyerno, sirain ang mga ahensya na tumutupad sa kanilang tungkulin. So, huwag po nating palabasin na ganoon dahil alam po natin na si Speaker Romualdez ay isa sa malaking, sinasabing isa sa ‘big fish’ na tinututukan para malaman natin ang katotohanan,” ani Usec. Claire Castro.

