Nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) ang tinatayang 200 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.36 bilyon sa Manila International Container Port noong October 15.
Nakatago ang ilegal na droga sa loob ng mga kartong idineklarang cardboard boxes at nagmula umano sa Laos, bago dumaan sa Vietnam at Hong Kong.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, naging susi sa operasyon ang intelligence-sharing sa pagitan ng mga bansa sa Southeast Asia.
Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng shipper at consignee ng kargamento.
ADVERTISEMENT
“Ito ay patunay na ang programa ng ating pangulo ay tungkol sa interdiction. Hindi po natin tina-target ang mga maliliit na tao. Hindi po natin target lang ang mga peddler. Kinukuha natin from the source itself,” ani Sec. Jonvic Remulla, DILG.

