Balitang A2Z

Halos 350 kilo ng smuggled meat, nasabat sa Pasay; Dalawang Chinese National, arestado

Arestado ang dalawang Chinese national sa isang entrapment operation sa isang bahay sa Leveriza Street, Pasay City, matapos mahulihan ng iba’t ibang frozen meat products na walang kaukulang dokumento. Ayon…

Billy Torres · · 1 min read

Arestado ang dalawang Chinese national sa isang entrapment operation sa isang bahay sa Leveriza Street, Pasay City, matapos mahulihan ng iba’t ibang frozen meat products na walang kaukulang dokumento.

Ayon kay Dr. Fernando Lontoc, executive director ng National Meat Inspection Service (NMIS), nasa 350 kilo ng iba’t ibang uri ng karne ang nasabat, kabilang ang imported yellow chicken, peking duck, kuneho, black chicken, gansa, at palaka na nagkakahalaga ng P183,000.

Nadiskubre ang mga karne sa loob ng apat na freezer sa bahay kung saan naaresto ang dalawang Chinese national.

Sa paunang imbestigasyon, lumilitaw na ibinebenta umano ng mga suspek ang mga produkto online sa mas mababang halaga.

ADVERTISEMENT

“Natunugan ng kasama natin sa NBI, so talagang ito ay almost month-long na surveillance na ginawa ng NBI at ito’y dinulog sa atin nung positive ang kanilang operation. Ang nakikita namin, ang bumibili ng ganitong produkto ay yung mga Chinese rin, ang mga kliyente nila. Kapwa nila Chinese,” saad ni Lontoc.

What do you feel about this article?