Balitang A2Z

Villanueva: Hindi sapat ang pagsasara ng pet crematorium sa Cavite

Hindi dapat magtapos sa pagsasara ng crematorium ang aksyon sa pagtatapon ng mga labi ng aso at pusa sa Bulacan. Ito ang giit ni Senator Joel Villanueva, na nanawagan ng…

Giselle Crazo · · 1 min read

Hindi dapat magtapos sa pagsasara ng crematorium ang aksyon sa pagtatapon ng mga labi ng aso at pusa sa Bulacan.

Ito ang giit ni Senator Joel Villanueva, na nanawagan ng masusing imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso batay sa ebidensya.

Natagpuan ang mga labi sa mga plastic bag sa kahabaan ng New Town Street, sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte City.

Iniuugnay ang insidente sa isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite na dapat sanang nag-cremate sa mga alagang ipinagkatiwala ng kanilang mga may-ari.

Pinuri naman ni Villanueva ang mabilis na aksyon ng National Bureau of Investigation (NBI), habang hinimok ang mga LGU na repasuhin ang pagbibigay ng permit, pag-iinspeksyon at pagbabantay sa mga pet crematorium.

ADVERTISEMENT

Nanawagan din ang senador sa Department of Trade and Industry (DTI) na imbestigahan ang posibleng panlilinlang sa mga customer at tulungan ang mga pet owner na maghain ng consumer complaints.

Pinasisiyasat din niya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang posibleng paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act at iba pang batas pangkalikasan.

What do you feel about this article?