Balitang A2Z

PBBM, nagtakda ng bagong sistema sa suspensyon at pagbabalik ng klase

Sa gitna ng sunud-sunod na mga suspensyon dulot ng mga bagyo, lindol, El Niño, at mga di inaasahang insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa bansa, inilatag ni Pangulong Ferdinand…

Giselle Crazo · · Updated · 3 min read

Sa gitna ng sunud-sunod na mga suspensyon dulot ng mga bagyo, lindol, El Niño, at mga di inaasahang insidente ng pamamaril sa mga paaralan sa bansa, inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong balangkas ng pagsususpinde at pagbabalik ng face-to-face classes.

Sa ilalim ng Executive Order 130, ibabatay ang mga desisyon sa opisyal na babala, pagsusuri sa panganib at aktuwal na kondisyon sa bawat lugar.

Sakop ng kautusan ang mga face-to-face classes, activity at onsite work sa pampubliko at pribadong paaralan at learning center, kabilang ang mga kolehiyo at technical-vocational school.

Ito’y sa pamamagitan ng automatic, localized, at granular suspension.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng automatic suspension, hindi na kailangan ng hiwalay na deklarasyon kapag pasok sa itinakdang batayan para sa suspensyon ang babala, alert level o forecast ng PAGASA, PHIVOLCS o iba pang kinauukulang ahensya.

Sa localized suspension, kung walang umiiral na automatic suspension, puwedeng magsuspinde ang city o municipal mayor o gobernador ng probinsya batay sa dokumentadong pagsusuri sa panganib at aktuwal na sitwasyon.

Kailangan lang tukuyin ang mga lugar na sakop, maging ang tagal ng suspensyon.

Ikatlo ang granular, o suspensyon sa antas ng paaralan.

ADVERTISEMENT

Kung walang automatic o localized suspension, puwedeng magsuspinde ang otorisadong opisyal ng paaralan kapag may dokumentadong banta sa kaligtasan, kalusugan o kapakanan ng mga mag-aaral at tauhan.

Kailangan pa rin nitong makipag-ugnayan sa kinauukulang mayor o gobernador.

Ayon sa Palasyo, layunin nitong itugma ang mga suspensyon sa aktuwal na kondisyon sa komunidad.

Sa pagbabalik ng klase, kailangang matiyak na ligtas ang mga paaralan at maisagawa ang kinakailangang inspeksyon.

ADVERTISEMENT

Puwede ring humiling ang isang paaralan ng mas maagang pagbabalik ng klase habang umiiral ang localized suspension, basta may dokumentadong safety assessment at pagsang-ayon ng mayor o gobernador.

Samantala, kapag suspendido ang face-to-face classes, dapat magpatupad ng angkop na alternatibong paraan ng pag-aaral kung posible at ligtas.

Pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon.

Inatasan din itong maglabas ng detalyadong guidelines sa loob ng 30 araw mula sa pagkakabisa ng kautusan.

ADVERTISEMENT

“Binibigyan nito ng dagdag na kapasidad ang mga lokal na pamahalaan para magpasya kung saang mga lugar o paaralan lang ang magkakansela ng klase depende sa aktuwal na kalagayan dito. Mas direkta ang aksyon, mas angkop ang tugon ng mga LGU,” ani Usec. Claire Castro, Palace Press Officer

Dagdag pa niya, “Magkakaroon ng kakayahan ang mga paaralan na magsuspinde ng klase kung talagang kinakailangan para sa mga estudyante dahil kaligtasan ng mga bata ang palaging una.”

What do you feel about this article?