Inirekomenda ng prosekusyon ang pagsasampa ng kasong cyberlibel laban kay Laguna Third District Board Member Angelica Jones Alarva.
Boluntaryo namang sumuko sa mga awtoridad ang opisyal, ayon sa nagreklamo.
Hiwalay pa rito ang reklamong administratibo ng kanyang dating empleyado sa Ombudsman, na itinanggi ni Alarva at tinawag na political harassment.

