Balitang A2Z

BINI at SB19, bida ang mga awit para sa ASEAN 2026

Inilabas ng ‘Nation’s Girl Group’ na BINI, at SB19, ang mga opisyal na kanta para sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026. Inawit ng BINI ang “Sama-Sama Tayo,” na…

Giselle Crazo · · 1 min read

Inilabas ng ‘Nation’s Girl Group’ na BINI, at SB19, ang mga opisyal na kanta para sa pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026.

Inawit ng BINI ang “Sama-Sama Tayo,” na sinulat nina Ejay Yat-Co, Paw Castillo at Moophs, na siya ring producer ng track. Habang “Together in Motion” naman ang SB19, na likha ni Anya Lagman.

Tampok sa mga awit ang pagkakaisa sa liderato, pamumuno at kapayapaan ng mga miyembrong bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Pinagsama-sama ang pop at electronic dance music sa mensahe nito ng pagkakaisa at pagtutulungan.

Handog ito sa ika-48 ASEAN Summit at mga kaugnay na pagpupulong na ginanap sa Cebu noong Mayo.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Department of Tourism (DOT), binabalikan ng kanta ang mahalagang yugto ng pagho-host ng Pilipinas at ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga bansa sa rehiyon.

Inilabas ng DOT ang music video noong October 31 na mapapakinggan na sa mga pangunahing digital streaming platform.

Isasagawa ang 49th Summit sa Metro Manila sa November 16 hanggang 18.

What do you feel about this article?