Balitang A2Z

China, inakusahan si Teodoro ng pagharang sa kanilang partisipasyon sa ASEAN Defense Talks

Inireklamo ng China ang umano’y huling pagpapadala ng Pilipinas ng imbitasyon para sa ASEAN defense talks sa Cebu. Giit ng Chinese Embassy, kulang sa limang araw ng trabaho ang ibinigay…

Billy Torres · · Updated · 1 min read

Inireklamo ng China ang umano’y huling pagpapadala ng Pilipinas ng imbitasyon para sa ASEAN defense talks sa Cebu.

Giit ng Chinese Embassy, kulang sa limang araw ng trabaho ang ibinigay sa Beijing para maghanda.

Sa pahayag noong November 1, sinabi ng embahada na noong October 22 lamang nagpadala ng imbitasyon ang Department of National Defense (DND).

Dalawang araw lang din umano ang ibinigay para kumpletuhin ang registration, habang nakatanggap na raw ng imbitasyon ang ibang kasali noong huling bahagi ng Setyembre o unang bahagi ng Oktubre.

Inakusahan ng embahada si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng paghadlang sa paglahok ng China.

Noong October 27, sinabi naman ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong na wala pa silang kumpirmasyon kung sino ang kakatawan sa China.

ADVERTISEMENT

Sa huli, dumalo sa ADMM-Plus noong October 29 ang Chinese Defense Attaché sa Maynila na si Senior Captain Yang Lei.

Paliwanag naman ni Teodoro, kailangang isaalang-alang ang pagkakapantay ng ranggo at tinutulan ang kahalintulad na alegasyon ng Chinese Defense Ministry.

Aniya, walang bansa sa ASEAN na nagpaabot sa kaniya ng kaparehong reklamo.

What do you feel about this article?