Balitang A2Z

Mga larawan ni Dela Rosa sa Digos, kumalat online habang pinaghahanap siya ng pulisya

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang isang pamilya sa sinasabing Digos Memorial Park sa Davao del Sur. Ito ay matapos…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kasama ang isang pamilya sa sinasabing Digos Memorial Park sa Davao del Sur.

Ito ay matapos mai-upload ang larawan nitong November 1, kung saan inilagay sa caption ng nag-post na sa Digos Memorial Park kuha ang larawan.

Pero hindi pa kumpirmadong kuha ito ngayong Undas, lalo’t may mga ulat na nilinaw mismo ng nag-post na tatlong taon nang nakalipas ang larawan.

Samantala, pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang paghahanap kay Dela Rosa matapos mag-expire noong October 30 ang palugit para sa kaniyang kusang pagsuko.

ADVERTISEMENT

Muling inorganisa ng PNP ang mga tracker team at nagtalaga ng mga task group sa buong bansa, kasabay ng 50 milyong pisong pabuyang inilaan para sa impormasyong hahantong sa kaniyang pagkakaaresto.

May warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa, kaugnay ng kasong crimes against humanity sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

What do you feel about this article?