Balitang A2Z

Dumagsa ang mga biyaherong balik-Batangas at Maynila sa Calapan Port sa Oriental Mindoro nitong November 3

Dumarami na rin ang mga biyaherong balik-Batangas at Maynila sa Calapan Port sa Oriental Mindoro ngayong Martes, November 3. Mahigit 4,000 pasahero ang dumarating at umaalis sa Calapan Port hanggang…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Dumarami na rin ang mga biyaherong balik-Batangas at Maynila sa Calapan Port sa Oriental Mindoro ngayong Martes, November 3.

Mahigit 4,000 pasahero ang dumarating at umaalis sa Calapan Port hanggang alas-dos ng hapon, ayon sa Philippine Ports Authority sa Mindoro.

Gayunpaman, hindi pa nagsisiksikan sa passenger terminal.

Tiniyak naman na sapat ang mga barkong maghahatid sa mga pasahero, lalo’t inaasahang tataas pa ang bilang hanggang Miyerkules, November 4.

Sa Batangas Port, nagtala ang pamunuan ng mahigit 12,000 pasahero noong October 30, bahagyang mas mababa kumpara sa 13,000 noong kaparehong petsa ng 2025.

ADVERTISEMENT

Mananatiling naka-heightened alert ang port authorities hanggang November 3.

What do you feel about this article?