Balitang A2Z

Mga biyahero, dumagsa sa PITX matapos ang Undas 2026

Nagsimula nang magdatingan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang mga biyaherong nag-Undas sa kani kanilang mga probinsya. Ang ilan sa mga pasahero, nagmamadaling-makabalik para sa trabaho at pasok,…

Giselle Crazo · · Updated · 1 min read

Nagsimula nang magdatingan sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ang mga biyaherong nag-Undas sa kani kanilang mga probinsya.

Ang ilan sa mga pasahero, nagmamadaling-makabalik para sa trabaho at pasok, habang ang iba naman pinilit pang makahabol sa pagdalaw sa mga puntod ng iba pang mahal sa buhay.

Kabilang sa mga pasahero ay mula sa Bicol, Cavite, Mindoro at mga probinsiya sa Norte.

Sa tala ng PITX, umabot sa mahigit siyamnapung libong mga pasahero ang dumaan sa terminal simula hapon ng November 1.

Mas malaking dagsa ng mga pasahero ang inasahan ng pamunuan pagsapit ng Martes, November 3, kung saan posibleng umabot sa 180,000 hanggang 190,000 ang bilang ng mga pasahero, kasabay ng mga regular na commuter at mga bumabalik mula sa probinsya.

ADVERTISEMENT

Nakaantabay naman ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), at medical personnel ng terminal upang tumulong sa mga nagsisibalikang mga pasahero.

What do you feel about this article?