Itinanggi ng Cordillera Police ang ulat na nakatakas sa pag-aresto si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag sa Ifugao nitong Linggo.
Ito ay matapos magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa isang poultry farm sa Barangay Pugol, Lamut, Ifugao, upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Bantag.
Giit ng pulisya, wala si Bantag sa target na lugar nang dumating ang mga operatiba.
Sinundan nila ang tip na nagtatago umano roon ang dating opisyal at nagpapanggap na trabahador sa manukan.
Matatandaang pinaghahanap si Bantag sa kasong murder, kaugnay ng umano’y pagkakasangkot niya sa pagpatay sa broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa noong 2022.
ADVERTISEMENT
Nauna nang itinanggi ni Bantag ang mga paratang laban sa kaniya.
Tiniyak naman ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy ang pagtugis sa dating opisyal.
“Hindi po siya inabutan during the operation po. Therefore po, wala pong naganap na pagtakas dahil wala po do’n yung aarestuhin na tao po,” giit ni PLt. Col. Genevieve Revocal, Chief ng PRO CAR Regional Public Information Office.

