Balitang A2Z

Kinumpuning bahagi ng EDSA Southbound, binuksan na

Bukas na muli sa mga motorista ang mga bahagi ng EDSA Southbound na kinumpuni mula NEPA Q-Mart sa Quezon City hanggang Guadalupe sa Makati City. Pansamantala ring pinayagan ang mga…

Giselle Crazo · · Updated · 2 min read

Bukas na muli sa mga motorista ang mga bahagi ng EDSA Southbound na kinumpuni mula NEPA Q-Mart sa Quezon City hanggang Guadalupe sa Makati City.

Pansamantala ring pinayagan ang mga pribadong sasakyan sa southbound ng EDSA Busway mula NEPA Q-Mart hanggang Boni Avenue habang tinatapos ang pag-aaspalto.

Sinimulan ang trabaho noong gabi ng Biyernes bilang bahagi ng ikalawang yugto ng EDSA rehabilitation. Target namang tapusin ang pag-aaspalto sa loob ng humigit-kumulang dalawang linggo.

Samantala, sa C-5, binuksan na rin ang northbound lane ng Pasig Boulevard-C-5 Flyover. Maging ang northbound lane ng C-5 Boni Serrano Flyover ay madaraanan na rin.

Bukas ang southbound lane ng Pasig Boulevard-C-5 Flyover simula November 3.

ADVERTISEMENT

“Talagang hinahabol namin yung pagbalik ng mga motorista galing probinsya. Like thisone, itong EDSA Busway, nagsimula tayo nito October 30 at talagang pukpukan ang trabaho,” ani Sec. Giovanni Lopez ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Itong bagong-bagong istasyon na ito, proof na talagang yung priority ng pangulo natin para sa commuter ay nakikita na natin. Magdadagdag pa tayo ng mga toilet saka marami pa tayong ibang gagawin dito para lang mapakita natin sa mga commuters na sila ang priority,” dagdag ni Sec. Vince Dizon ng Department of Transportation (DOTr).

What do you feel about this article?