Inireklamo ng isang maliit na kumpanya ang hindi pa nababayarang inorder na souvenir items ng pamahalaan para sa ASEAN 2026, sa kabila ng pagmamadaling matapos ito.
Sa post ng Amianan PH, inakusahan nito ang Commission on Higher Education (CHED) at ang Department of Energy (DOE) sa umano’y hindi pa nababayarang order.
Siyam na buwan na umanong hindi nagbabayad ang CHED habang mahigit isang buwan naman ang DOE.
Ayon sa negosyo, naipit tuloy ang kanilang puhunan para sana sa iba pang orders at pagsuporta sa mga komunidad.
ADVERTISEMENT
Tumugon naman ang CHED sa pahayag nitong October 30 at sinabing bagamat hindi dumaan ang transaksyon sa Office of the Chairperson, agad sisilipin at tutugunan ang isyu na ito.
Sa comment section naman, sinabi ng Amianan na sumagot na sa public complaint ang DOE at sinabing ready for pickup na umano ang tseke para sa bayad.

