Inakyat na sa ‘Alert Level 3’ ang estado ng Mayon Volcano matapos itong pumutok mag-aalas-12 ng tanghali, October 30.
Nakunan sa mga camera ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang moderate explosive eruption ng Mayon na nagputok ng tatlong kilometrong pluma ng abo sa ibabaw ng bunganga nito.
Inilikas na ang mga residente malapit sa bulkan, partikular sa Barangay Anoling at Quirangay sa Camalig, habang nagpamahagi na ng face masks sa iba pang lugar kabilang ang Guinobatan, Albay.
Nagsagawa na rin ng flushing operations para agad malinis ang abo sa mga lansangan.
ADVERTISEMENT
Muli namang pinaalalahanan ang mga nakatira sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) na sumunod sa panawagang paglikas ng pamahalaan.
‘Yung mga nakatira sa permanent danger zone kailangan lumikas at doble ingat sa ash fall at pyroclastic density currents,’ saad ni PHIVOLCS Mayon Observatory Research Specialist Doreen Abelinde.

