Balitang A2Z

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo, sasalubong sa pagpasok ng Nobyembre

Muling magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng Nobyembre. Batay sa paunang estimates ng four-day trading sa Mean of Platts Singapore, posibleng magkaroon ng bawas…

Giselle Crazo · · 1 min read

Muling magkakaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng Nobyembre.

Batay sa paunang estimates ng four-day trading sa Mean of Platts Singapore, posibleng magkaroon ng bawas na 62 centavos sa kada litro ng diesel.

Nasa piso naman ang tantiyang matatapyas sa kada litro ng kerosene, habang papalo sa halos tatlong piso naman ang estimate na itataas sa kada litro ng gasolina.

Ayon sa Energy Department, nakatulong sa pagbaba ng presyo ng diesel ang inaasahang dagdag-suplay mula China, Russia at South Korea.

ADVERTISEMENT

Pero paalala ng ahensya, mabilis pang magbago ang presyo sa merkado at hindi pa pinal ang presyo dahil may final trading sa katapusan ng Oktubre.

Samantala, posible rin ang dagdag-presyo sa LPG sa Nobyembre ng halos 33 pesos sa isang 11-kilong tangke, kung ipatutupad.

What do you feel about this article?