Hindi nakikita ng Philippine National Police ang pangangailangang maglabas ng ‘wanted poster’ para kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Ito ang posisyon ng PNP sa gitna ng patuloy na pagtugis sa senador at sa 50-milyong pabuyang para sa impormasyong hahantong sa kanyang pag-aresto.
Paliwanag ni PNP Spokesperson PCOL. Allen Rae Co, kilala na ng publiko ang hitsura ni Dela Rosa at ang paghahanap sa kanya ng awtoridad.
Pero susuriin pa ng PNP kung makatutulong ang wanted poster sa paghahanap at pag-aresto sa mambabatas.
Sinagot din ni Co ang pangamba ng abogado ni Dela Rosa na baka mahikayat ng malaking pabuya ang mga armadong sibilyan na kumilos nang sarili.
ADVERTISEMENT
Muli namang nanawagan ang PNP kay Dela Rosa na kusang loob nang sumuko para maiwasan ang marahas na komprontasyon.
Sa October 30, magtatapos ang isang linggong palugit na ibinigay ng DILG para sa kanyang pagsuko.
“It’s not about not being able to do it, but we do not see the need as of now. Let’s end this with dignity on your part. Let’s avoid any untoward incident, any potential dangerous encounters or any harm that may come to anybody. We would like to avoid any injuries, any violent encounters and of course, pinakamasama nito is meron masawi dito sa operation na ginagawa natin.” mensahe ni PNP-PIO PCOL. Allen Rae Co

