Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong ₱120-bilyong investment ng Manny V. Pangilinan Group para sa bagong elevated road kung saan pagdudugtungin ang Balintawak sa Quezon City at Bocaue, Bulacan.
Ayon sa pangulo, itatayo ang bagong daan sa ibabaw ng kasalukuyang highway para madagdagan ang mga rutang magagamit ng mga motorista.
Hinikayat din niya ang mga pribadong grupo na magtulungan sa proyekto.
Makatutulong umano ang proyekto sa pagpapaluwag ng trapiko, pagpapaiikli ng biyahe at pagpapababa ng gastos sa transportasyon.
ADVERTISEMENT
Wala pa namang inilalahad na schedule ng pagsisimula at pagtatapos ng construction ng Balintawak–Bocaue Project.
“Pinakiusapan ko sila na magtulungan sila para madagdagan naman natin yung dinadaanan. Very good news ito para sa ating continuing na construction para sa magandang pagdaloy ng trapiko sa atin, pagpapabilis at pagbaba ng transport cost at magiging mas maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga workers,” ayon kay Pangulong Marcos.

