Libre ang toll sa bagong dalawang kilometrong bahagi ng NLEX-C5 Northlink hanggang December 31.
Kasabay ito ng pagpapasinaya ng bagong daan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong October 29, bago ang Undas Exodus.
Pinagdurugtong ng Segment 8.2 Section 1-A ang NLEX Mindanao Toll Plaza sa Valenzuela City at Quirino Highway sa Quezon City, na inaasahang magpapaiikli ng biyahe sa pagitan ng dalawang lugar.
Ayon sa Pangulo, inagahan nila ang pagbubukas para mapagaan ang biyahe ng mga motorista at pasahero ngayong Undas.
ADVERTISEMENT
Open ang bagong segment nang 24 hours at inaasahang daraan dito ang humigit-kumulang labing-isang libong mga sasakyan araw-araw.
“Libre ang pagdaan dito ngayon hanggang end of the year. Kahit maigsi lang, dalawang kilometro, napakalaking bagay dahil ang dinadaanan ngayon ay napakalayo, bago umiikot at pababa sa surface road, dadaan ng traffic, siguro 40 minutes [to] 45 minutes. Ngayon, pagbukas nito, limang minuto na lang,” ani PBBM.

