Maagang dumagsa sa NAIA Terminal 3 ang ilang biyahero para makauwi sa kani-kanilang probinsya, huling Huwebes bago ang Undas.
Pabor dito ang airport authorities, lalo’t inaasahan ng New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang siyang nangangasiwa ngayon sa NAIA, na aabot sa 1.25 million na pasahero ang dadagsa sa Terminals 1 hanggang 3 mula October 29 hanggang matapos ang Undas sa November 4.

