Hinimok ng isang political strategist si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na unahin ang pag-unawa sa pangamba ng publiko at ilatag ang mga konkretong hakbang sa pagharap sa mahinang piso.
Para kay Alan German, mas mahusay sanang naihatid ng Pangulo ang mensahe kaysa simulan sa pagpapayo na huwag mag-panic ang mga tao.
Aniya, maaaring tumunog na ‘walang pag-unawa’ sa pag-aalala ng mga tao ang ganitong pahayag.
Giit pa ni German, dapat magsimula ang mensahe ng isang lider sa pagkilala at pag-unawa sa pangamba ng mga mamamayan.
Kasunod nito, kailangan aniyang ipaunawa sa publiko ang mga ginagawa ng pamahalaan at mga bangko para harapin ang problema.
ADVERTISEMENT
Matatandaan sa naging pahayag ni Marcos noong October 28, sinabi ng pangulo na gagamitin ng pamahalaan ang mga paraan para depensahan ang piso, maging ang foreign exchange reserves na magagamit para suportahan ang halaga ng lokal na pera.
‘Saying don’t panic maybe not the best way to appraise it. You don’t tell people what to do in a moment of actual deep concern. It may appear tone deaf, check your privilege…’ ayon kay Veteran political campaign strategist Alan German.
“Always empathy, acknowledgement and validation of the concern. I think that should have been the first messaging in any crisis, untoward incidence or situation response. Always lead with empathy,” dagdag pa ni German.

