Sinalag ni Philippine Defense Secretary Gilberto Teodoro ang bagong akusasyon ng China na isang ‘self-serving’ na Pilipinong politiko ang umano’y nang-abuso ng posisyon ng Pilipinas bilang ASEAN chairman dahilan kung bakit limitado umano ang partisipasyon ng China sa defense ministers meeting ng ASEAN sa Cebu.
Hindi pinangalanan ng China o idinetalye ang konteksto ng akusasyon na inanunsyo sa isang press conference sa China ng ministry spokesperson.
Pero tinutukoy nito ang pinakamalaking pagtitipon ng defense ministers ng ASEAN na siyang pinangunahan ni Teodoro bilang defense chief ng Pilipinas.
Personal na tinanggap ni Teodoro ang iba pang lumahok sa Mactan Expo Center, habang si Defense Undersecretary Ignacio Madriaga naman ang tumanggap sa defense attaché ng Chinese Embassy sa Manila na si Senior Captain Yang Lei.
ADVERTISEMENT
“So far as ASEAN is concerned, I do not believe our ASEAN member countries feel that way. If not, they would have let me know. So it is China’s position, it is not ASEAN’s position. Anyway, they were given an opportunity to articulate their position, which is not any different from what they’ve been articulating before,” ani Sec. Gilberto Teodoro, Department of National Defense.

