Nainis si Senador Raffy Tulfo sa pagdinig ng Public Services nang malaman na may ilang palyado o kaya’y walang CCTV camera sa ilang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naging dahilan ng matagal na pag-track ng mga awtoridad sa tumangay ng trolley bag ng isang turistang French National na naglalaman ng tatlong luxury watch na nasa ₱15 milyon ang halaga.
Kaya naman, nagbigay ng dalawang araw na palugit ang senador sa airport authorities upang lagyan ng CCTV camera ang mga blind spot at palitan ‘yung mga palyado o hindi gumaganang camera upang maiwasan ang ganitong sitwasyon ngayong Undas Exodus.

