Balitang A2Z

PBBM, hinimok ang publiko na huwag mag-panic sa paghina ng piso

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na huwag mag-panic sa paghina ng piso matapos magsara ang palitan sa bagong record low na ₱64.17 kada dolyar nitong October 27.…

Billy Torres · · 1 min read

Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na huwag mag-panic sa paghina ng piso matapos magsara ang palitan sa bagong record low na ₱64.17 kada dolyar nitong October 27.

Sa panayam matapos bumisita sa New Bilibid Prison, sinabi ni Marcos na gagamitin ng pamahalaan ang mga paraan at resources para suportahan ang piso.

Iniugnay rin ng pangulo ang paghina ng piso sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, pero aniya may sapat na foreign exchange reserves ang bansa para tumulong na pigilan ang patuloy na pagsadsad ng halaga ng piso.

Samantala, naiulat sa ₱64.025 ang palitan ng piso sa dolyar nitong October 28, Miyerkules. 

What do you feel about this article?