Balitang A2Z

Pag-aangkat ng 500,000 tonelada ng mais, pinayagan ni PBBM para mapatatag ang suplay ng feeds sa mga baboy at manok

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng hanggang 500,000 tonelada ng mais upang mapatatag ang suplay ng feeds sa mga alagang baboy at manok. Layon ng Executive…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-aangkat ng hanggang 500,000 tonelada ng mais upang mapatatag ang suplay ng feeds sa mga alagang baboy at manok.

Layon ng Executive Order No. 129 na maibsan ang epekto ng suplay ng feeds sa presyo ng pagkain. 

Ang yellow corn kasi ang pangunahing sangkap sa paggawa ng feeds, kung kaya’t may domino effect ang suplay nito sa presyo ng mga pagkain at produksyon ng mga baboy at manok, hanggang sa presyo ng karne sa pamilihan.

Una nang sinabi ng Agriculture Department na posibleng maapektuhan ng mataas na presyo ng krudo, tensyon sa Middle East, at banta ng El Niño ang produksyon ng mais sa bansa. 

ADVERTISEMENT

Nasa 1.4 milyong tonelada naman na ang tinatayang pagkukulang sa suplay ng yellow corn mula Marso hanggang Disyembre ngayong taon.

What do you feel about this article?