Inaasahan ng Manila Police District ang pagdagsa ng halos dalawang milyong bibisita sa Manila North Cemetery sa buong linggo ng Undas.
Ayon sa MPD mas maraming makakadalaw dahil tatapat sa weekend ang bahagi ng paggunita.
Naghigpit na rin ng seguridad at naghanda ng mga help desk para sa mga dadalaw sa sementeryo.
Nakipag-ugnayan na ang pulisya sa lokal na pamahalaan para sa inspeksyon ng mga papasok.
ADVERTISEMENT
Binabantayan din ang mga posibleng lusutan ng kontrabando. Kabilang ang mga lugar na nilalagyan ng hagdanan.
Simula ngayong Miyerkules bawal na ang paglilinis, pagpipintura at pagkukumpuni ng mga puntod.
Bawal ding magdala ng baril, matatalim na bagay, alak, alagang hayop, gitara, speaker at gamit sa pagsusugal.
Ipinagbabawal din ang mga madaling magliyab gaya ng alcohol at thinner. Gayundin ang pagsusugal at pagpapalipas ng gabi sa loob.
ADVERTISEMENT
Bukas ang sementeryo simula Huwebes hanggang Lunes mula alas-singko ng umaga hanggang alas-otso ng gabi.
Bawal ding pumasok ang anumang uri ng sasakyan sa mga petsang ito.
At para mas madaling mahanap ang puntod, maaaring gamitin ang “Online Puntod Finder” sa manilanorthcemetery.ph
ADVERTISEMENT
“Mas marami po ang pupunta ngayon kasi weekend. ‘Di gaya nung araw na talagang limitado ang oras, dahil may mga pasok sa trabaho, pasok sa eskwela,” ani Manila Police District Director PBGEN. Arnold Santiago.
“Sana pumunta na sila nang maaga lalo na ngayon pwedeng makapasok mga sasakyan, lalo na yung mga senior natin, mga pwd, pumunta na po sila ngayon,” dagdag ni Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan.

