Balitang A2Z

DOTR Sec. Dizon, ipinaayos ang mga palikuran at hintayan sa bus terminals sa Maynila

Inatasan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga bus operator na ayusin ang mga kulang at masisikip na pasilidad sa kanilang mga terminal sa Maynila.  Ito’y matapos matukoy ang mga…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Inatasan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang mga bus operator na ayusin ang mga kulang at masisikip na pasilidad sa kanilang mga terminal sa Maynila. 

Ito’y matapos matukoy ang mga problema sa inspeksiyon bago dumagsa ang mga pasahero ngayong Undas.

Kabilang sa mga sinita ni Dizon ang masisikip na palikuran, kulang na mga CR at limitadong espasyo sa hintayan ng mga pasahero.

Maglalabas din ang Transportation Department ng show-cause order para pagpaliwanagin ang bus company na may terminal na walang tubig sa palikuran.

Sinabi naman ng operations manager ng terminal na handa silang agad ayusin ang mga kakulangan. 

ADVERTISEMENT

Bibigyan ng 60-araw ang mga operator para sumunod at maaaring ipasara ang mga terminal na hindi tutupad sa mga requirement.

“Mensahe ng pangulo sa mga bus company natin, negosyo niyo ‘to, pinagkakakitaan niyo ‘to pero bigyan niyo naman ng dignidad man lang yung mga mananakay natin,” giit ni Dizon.

“Nakita niyo naman ‘yung CR? Hindi pwedeng ganun. Pumunta ako sa CR ng lalaki, wala man lang toilet,” dagdag pa niya.

What do you feel about this article?