News LightLatest News

NBI Dir. Matibag, hihilingin ang pag-inhibit ng prosecutor sa mga reklamo ni Davao City Rep. Paolo Duterte

Maghahain ng motion for inhibition si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag laban sa Davao City prosecutor na humahawak sa kasong cyberlibel na inihain kamakailan ni Davao City…

Giselle Crazo · · 1 min read

Maghahain ng motion for inhibition si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag laban sa Davao City prosecutor na humahawak sa kasong cyberlibel na inihain kamakailan ni Davao City First District Representative Paolo Duterte.

Dahilan ni Matibag, pinsang-buo umano ng prosecutor si Honeylet Avanceña, na partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ni Matibag si Davao City Prosecutor Jhopee Salvador Avanceña na maaaring maging hindi patas sa kaso.

Hihilingin din ni Matibag ang pansamantalang pagtigil ng mga proseso at paglipat ng paghawak sa mga reklamo sa DOJ-National Prosecution Service.

ADVERTISEMENT

Noong Biyernes, naghain si Paolo Duterte ng mga reklamo laban kay Matibag, dating pulis Rodulfo Gracioso Jr., at ilang opisyal at mamamahayag ng GMA Network matapos mag-ugat ang mga reklamo sa alegasyon ni Gracioso na naghatid siya ng pera sa pamilya Duterte, na mariing pinabulaanan ng mga ito.

What do you feel about this article?