Good NewsLatest News

Chris Tomlin, nag-anunsyo ng dagdag na kanta para sa kanyang Christmas album

Ilan sa mga bagong awitin ay ang “Carol of the Bells,” “Good News of Great Joy,” at “Joy to the World (Unspeakable Joy).” Mapapakinggan din ang bagong tunog o Christmas…

Newslight · · 1 min read

Sa nalalapit na pag-release ng bagong Christmas song of worship album ng Christian singer-songwriter na si Chris Tomlin, ibinahagi niya ang mga bagong awitin na kabilang sa album.

Ilan sa mga bagong awitin ay ang “Carol of the Bells,” “Good News of Great Joy,” at “Joy to the World (Unspeakable Joy).” Mapapakinggan din ang bagong tunog o Christmas version ng kanyang sikat na awitin na “Holy Forever.”

Maaari nang i-pre-save ang album para maging updated sa pag-release nito.

Samantala, bukod sa kanyang bagong album, inaabangan din ang muling pagbisita ni Tomlin dito sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT

Nakatakdang mag-concert si Tomlin sa Cebu at Manila sa susunod na taon.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag patungkol sa ticket selling, nagpakita na ng suporta ang mga Christian community na manonood ng nasabing concert. (Benedict Quejado/News Light)

What do you feel about this article?