News LightLatest News

10% ng mga mag-aaral sa Grade 1–3, nahihirapang bumasa — EDCOM 2

Sampung porsyento ng mga estudyante mula sa Grade 1 hanggang Grade 3 ang nahihirapang makabasa, batay sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).

Giselle Crazo · · 1 min read

Sampung porsyento ng mga estudyante mula sa Grade 1 hanggang Grade 3 ang nahihirapang makabasa, batay sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2).

Sa isang assessment sa end-of-school-year 2025–2026, nakitang 10 percent sa 5,127,670 learners na sakop ay pagsubok pa rin ang pagbabasa.

Pinakamataas ang naitalang bahagdan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM sa 25.5 percent, na sinundan ng 17.7 mula SOCCSKSARGEN, at Zamboanga Peninsula sa 14.7 percent.

Pang-apat naman ang Bicol sa 12 percent, kasunod ng Davao na may 11.7 percent at MIMAROPA sa 11.3 percent.

ADVERTISEMENT

10.4 percent sa Rehiyon ng Negros Island at Central Visayas; 10 percent sa Caraga, 9.4 sa Ilocos, 9.3 sa Northern Mindanao, 8.6 sa Cagayan Valley, 8.2 sa Western Visayas, 7.9 sa Central Luzon, 7.2 sa Eastern Visayas, at CALABARZON sa 6.7 percent.

Pinakamababang naitala ay sa Cordillera Administrative Region at NCR na parehong may 5.3 percent ng mga mag-aaral na hirap bumasa.

What do you feel about this article?