Umaangal na ang ilang mangingisda sa tumal ng kanilang mga nahuhuli dahil sa epekto ng El Niño, bukod pa sa mga dati na nilang problema sa pamamalaot gaya ng dredging.
Dahil dito, apela ng grupo ng mga mangingisda sa pamahalaan na magbigay ng P30,000 na one-time cash assistance.
Duda anila sila kung makakatanggap ng tulong sa calamity fund sakaling ideklara ang nationwide state of calamity dahil sa epekto ng Super El Niño.

