Balitang A2Z

Sen. Gatchalian: P7.2-T 2027 national budget, hindi magiging election budget

Tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na hindi magiging election budget para sa 2028 national elections ang 2027 national budget. Binigyang-diin ni Gatchalian na tutugon ang budget sa tunay na…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of Senate President Win Gatchalian

Tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na hindi magiging election budget para sa 2028 national elections ang 2027 national budget.

Binigyang-diin ni Gatchalian na tutugon ang budget sa tunay na pangangailangan ng mga Pilipino.

Tiniyak din nito na susunod ang Senado sa desisyon ng Korte Suprema upang maiwasang ideklarang labag sa Konstitusyon ang 2027 national budget.

“We will comply with the Supreme Court ruling without prejudice to the appeal na gagawin ng SolGen. And then second, we’ve already taken note some of the items there that we need to adjust,” ayon kay Gatchalian.

ADVERTISEMENT

Magugunitang noong October 20, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng General Appropriations Acts para sa 2024 at 2025, gayundin ang ilang special provision sa 2026 national budget.

Samantala, nakatakda namang iharap sa plenaryo ang 2027 national budget sa November 9.

What do you feel about this article?