Balitang A2Z

P50-M pabuya, inalok ng DILG para mahuli si Sen. Dela Rosa

Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroong P50-milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kung saan ang kinaroroonan ni Senador Ronald…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of DILG Secretary Jonvic Remulla (left) and Senator Ronald "Bato" Dela Rosa (right)

Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mayroong P50-milyong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kung saan ang kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Remulla, maituturing pugante na si Dela Rosa at bumuo na rin umano ng task force ang mga awtoridad upang hanapin at arestuhin ang senador.

“We are placing a bounty of P50 million for his capture. It’s time for the gloves to come off. It’s time to bring justice to his victims,” ani Remulla.

Nilinaw naman ni Remulla na magmumula ang pondo para sa pabuya sa intelligence funds ng DILG at Philippine National Police (PNP).

ADVERTISEMENT

Magugunitang, nahaharap si Dela Rosa sa arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC) dahil sa pagpapatupad ng extrajudicial killings sa bansa noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

What do you feel about this article?