Balitang A2Z

Matibag, igagalang ang legal na proseso sa cyberlibel complaint vs. Rep. Duterte

Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na igagalang niya ang legal na proseso kasunod ng pagsasampa ng reklamong cyberlibel laban sa kanya ni Davao City 1st…

Billy Torres · · 1 min read

Photo of NBI Director Melvin Matibag (left) and Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte (right)

Iginiit ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na igagalang niya ang legal na proseso kasunod ng pagsasampa ng reklamong cyberlibel laban sa kanya ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte.

Ayon kay Matibag, wala pa umano siyang natatanggap na kopya ng complaint-affidavit kaya kokonsulta muna ito sa NBI upang matukoy ang nararapat na hakbang sa sandaling makuha ang mga dokumento.

Dagdag pa ni Matibag na karapatan ni Duterte na magsampa ng legal na reklamo.

Habang, binigyang-diin din ni Matibag na nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng NBI kaugnay ng alegasyon ng dating pulis na si Rodulfo Mondigo Gracioso Jr..

ADVERTISEMENT

“Wala naman tayong binigay na pronouncement, we just made an update. Wala pa tayong tapos na pagsasara doon sa imbestigasyon nito. In fact, it’s still an ongoing and live na investigation ‘yung kay Mr. Gracioso na ‘yon,” ani Matibag.

https://youtu.be/gFFJHb9-IOM?si=74PhGRGIRE-pHzTq
What do you feel about this article?