Nagtapos na ang laban ng Filipina tennis star na si Alex Eala sa Ningbo Open matapos matalo sa huling laro laban sa 6th seeded na si Diana Shnaider sa Round of 16.
Nagpakita ng dikdikang laban sina Eala at Shnaider sa unang set, kung saan nagpalitan sila ng magagandang palo.
Maganda ang naging umpisa ni Eala sa tournament, pero sa dulo ay kinapos pa rin ito laban sa Russian player sa score na 7-5, 6-4.
Sa kabila ng pagkatalo, ipinakita ni Eala ang kanyang matinding determinasyon at katatagan, kung saan nagtala siya ng halos balanseng 26-27 winners to unforced errors ratio laban sa 27-26 ng kanyang kalaban.
ADVERTISEMENT
Sunod na haharapin ng Pinay athlete ang Toray Pan Pacific Open WTA 500 event, na gaganapin sa Japan.

