Balitang A2Z

House prosecution panel, hindi natatakot sa planong pagkuwestiyon ng defense team ni VPSD sa SC vs. revised conviction threshold

Hindi nababahala ang prosecution panel ng Kamara sa napaulat na plano ng defense team ni Vice President Sara Duterte na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang binagong bilang ng mga boto…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of House prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong (left) and Vice President Sara Duterte (right)

Hindi nababahala ang prosecution panel ng Kamara sa napaulat na plano ng defense team ni Vice President Sara Duterte na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang binagong bilang ng mga boto na kailangan upang mahatulan siya sa impeachment trial.

Nauna nang iginiit ng defense team na plano nilang maghain ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman kaugnay ng desisyon ng Senate Impeachment Court na ibaba ang kinakailangang bilang ng mga boto para sa conviction.

Planong ihain ng kampo ni Duterte ang petisyon bago magpatuloy ang paglilitis sa November 9.

Ayon naman kay House prosecution spokesperson Zia Alonto Adiong, malaya ang depensa na gamitin ang naturang legal na hakbang, ngunit hindi ito nangangahulugang maaari nang ihinto ang impeachment proceedings.

ADVERTISEMENT

“They can go there and they can actually file petition before the SC but as to whether or not the trial as to many hindi naman matitigil yan. It will be put on hold unless the SC came out with TRO,” pahayag ni Adiong.

What do you feel about this article?