Balitang A2Z

Charo Santos at Coco Martin, pinarangalan sa 28th Gawad PASADO

Muling kinilala ang husay ng mga Kapamilya star na sina Charo Santos at Coco Martin matapos masungkit ang 28th Gawad PASADO o Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro Awards. Pinarangalan si…

BALITANG A2Z · · Updated · 1 min read

Photo of Kapamilya stars Charo Santos (left) and Coco Martin (right), who were recognized at the 28th Gawad PASADO

Muling kinilala ang husay ng mga Kapamilya star na sina Charo Santos at Coco Martin matapos masungkit ang 28th Gawad PASADO o Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro Awards.

Pinarangalan si Santos bilang Pinakapasadong Aktres para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Only We Know.”

Samantala, kinilala naman si Coco Martin bilang Pinakapasadong Aktor sa Telebisyon sa Teleserye para sa kanyang pagganap sa hit action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo.

Hindi lang si Coco ang nag-uwi ng karangalan dahil kinilala rin ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Pinakapasadong Programa sa Telebisyon sa Teleserye.

What do you feel about this article?