Balitang A2Z

Anumang tangkang paghahatak sa BRP Sierra Madre, maituturing na “act of war” — Teodoro

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maaaring maituring na act of war ang tangkang sapilitang pag-alis ng China sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ayon kay Teodoro,…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.

Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na maaaring maituring na act of war ang tangkang sapilitang pag-alis ng China sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Teodoro, mayroong legal na implikasyon ang anumang tangkang sapilitang alisin ang nakasadsad na barko, na nagsisilbing outpost ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Samantala, kinumpirma ni Teodoro na matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang resupply mission sa Ayungin Shoal noong October 20, sa kabila ng naunang insidente ng panghihimasok ng mga barko ng China.

What do you feel about this article?