Masayang ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna ang ilang larawan mula sa birthday party ng kanyang bunsong anak na si Liana o Baby Lily.
Sa Instagram Story ni Ellen, makikitang dumalo rin sa birthday party ang dating kasintahan niya at ama ng kanyang panganay na si John Lloyd Cruz.
Hindi naman nakitang dumalo sa naturang pagtitipon ang ama ni Baby Liana na si Derek Ramsay.
Gayunpaman, una nang nagbahagi si Derek ng hiwalay na birthday celebration nito sa Disneyland.

