Hindi bababa sa 16 indibidwal ang nasawi at 46 ang nasugatan matapos tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa liblib na rehiyon ng Tibet, China, noong October 22.
Ayon sa ulat ng awtoridad ng China, 339 na bahay ang gumuho o napinsala.
Habang, nagkaroon din ng pagkaantala sa suplay ng kuryente sa ilang lugar.
Nagpapatuloy naman ang rescue at relief operations ng pamahalaan ng China.
ADVERTISEMENT
Patuloy namang sinusuri ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala at ang kalagayan ng mga biktima.

