Balitang A2Z

Rep. Cendaña, hinimok ang Malacañang na aksyunan ang mga patutsada ng Chinese Embassy

Pinakikilos ni House Assistant Minority Leader at Akbayan Representative Percival Cendaña ang Malacañang kaugnay ng mga patutsada ng Chinese Embassy sa mga mambabatas. Inihambing ni Cendaña sa isang troll farm…

BALITANG A2Z · · 1 min read

Photo of House Assistant Minority Leader and Akbayan Representative Percival Cendaña (right) and Chinese Ambassador Jing Quan (left)

Pinakikilos ni House Assistant Minority Leader at Akbayan Representative Percival Cendaña ang Malacañang kaugnay ng mga patutsada ng Chinese Embassy sa mga mambabatas.

Inihambing ni Cendaña sa isang troll farm ang embahada, kung saan lalo umano itong lumalakas ang loob dahil sa kawalan ng aksyon ng Palasyo.

Sinabi pa ng embahada na nasa listahan na nito ang mga mambabatas na nananawagang paalisin si Chinese Ambassador Jing Quan, pero hindi naman nilinaw ang kahulugan nito.

Giit pa ni Cendaña, kailangang magtakda ng Malacañang ng hangganan sa asal ng mga diplomat at manindigan para sa mga Pilipino.

ADVERTISEMENT

“That would be very unfortunate for the Philippines. Imagine may bisita ka at yung bisita mo sinisira yung bahay mo, binabastos yung mga kasama sa bahay tapos wala ka gagawin,” ayon kay Cendaña.

Sa naunang pahayag, iginiit ni Palace Press Officer Claire Castro na kailangang pag-isipang mabuti ang mga hakbang, lalo’t dapat ding protektahan ang mga Pilipino sa China.

What do you feel about this article?